Ang Pilipinas Update ay itinatag upang gawing mulat, matalino, at may tamang kaalaman ang bawat Pilipino.

Hindi lamang ito simpleng pagbabahagi ng impormasyon, kundi isang kilusan upang palakasin ang kakayahan ng mamamayan na mag-isip nang kritikal, pumili nang tama, at kumilos nang may malasakit para sa bayan.


Layunin nitong maging gabay sa pang araw-araw na desisyon sa buhay, mula sa mga simpleng pagpili hanggang sa mahahalagang usaping panlipunan. Upang ang bawat Pilipino ay hindi madaling malinlang ng mga mapagsamantalang pwersa ng kadiliman sa ating bayan. Sa pamamagitan ng katotohanan at tamang impormasyon, hinahangad naming magbigay liwanag sa gitna ng kasinungalingan, at pag-asa sa gitna ng pang-aabuso.